2024.04.12 (금)

  • 흐림동두천 1.0℃
  • 흐림강릉 1.3℃
  • 서울 3.2℃
  • 대전 3.3℃
  • 대구 6.8℃
  • 울산 6.6℃
  • 광주 8.3℃
  • 부산 7.7℃
  • 흐림고창 6.7℃
  • 흐림제주 10.7℃
  • 흐림강화 2.2℃
  • 흐림보은 3.2℃
  • 흐림금산 4.4℃
  • 흐림강진군 8.7℃
  • 흐림경주시 6.7℃
  • 흐림거제 8.0℃
기상청 제공

타갈로그어

Piyesta ng Korea sa tag-araw “Mga dinarayong pagdiriwang sa Korea tuwing tag-araw”

94579769.jpg

 

Ang piyesta sa bawat bansa ay isa sa mga daan upang makilala ang kultura at kasaysayan ng isang bansa. Ang piyesta sa bansang Korea ay karaniwang dinadaluhan ng mga sikat na personalidad kaya naman ang bawat pagdiriwang ng piyesta sa bansa ay talagang dinarayo ng lokal at dayuhang manlalakbay na nais masaksihan ang taunang piyesta sa bansa. Narito ang ilan sa mga piyesta na binabalikbalikan ng mga tao dito sa Korea.


Boryeong Mud Festival 

- Pa r a s a m g a d a y u h a n g manlalakbay, walang katulad ng Boryeong Mud Festival. Isa ito sa pinakamalaki at pinakasikat na piyesta sa Korea, na dapat ay nasa unahan ng listahan para sa lahat ng mga nanunuod ng piyesta ngayong tag-init. Sa pagdiriwang, masisiyahan ang mga tao sa iba't ibang aktibidad na nakabatay sa putik tulad ng mudslide, mud pits, mud prison, giant mud bath, mud swimming pool at marami pa.


Pohang International Fireworks Festival

- Ang taunang Pohang International Fireworks Festival kung saan ang mga nakamamanghang fireworks display sa Yeongildae Beach ay ipapakita gabi-gabi sa panahon ng piyesta. Kilala bilang "City of Light and Fire," ang lungsod ng Pohang kung saan ginaganap ang Pohang International Fireworks Festival.


Water Bomb Festival

- Ang Water Bomb Festival na may malakas na pagsabog ng tubig. Para sa mga bago sa festival, ito ang pinakaaabangan na water festival na may pinakamagandang dance music scene, kung saan maaaring piliin ng mga pumupunta sa piyesta ang alinman sa Team Green o Team Blue, makipagtulungan sa kanilang mga paboritong artist at ibabad ang mga target gamit ang mga water gun.