2023.01.13 (금)

  • 흐림동두천 3.3℃
  • 구름많음강릉 10.1℃
  • 서울 7.6℃
  • 대전 6.5℃
  • 대구 6.6℃
  • 울산 14.0℃
  • 광주 15.3℃
  • 부산 14.1℃
  • 흐림고창 15.1℃
  • 제주 20.5℃
  • 맑음강화 4.4℃
  • 흐림보은 6.0℃
  • 흐림금산 7.1℃
  • 흐림강진군 15.1℃
  • 흐림경주시 8.3℃
  • 흐림거제 15.3℃
기상청 제공

타갈로그어

Benepisyo sa Kalusugan ng Malamig na Panahon

 

Ang malamig na panahon ay kilalang-kilala sa pagdadala ng mga sakit at karamdaman. Ngunit alam nyo ba na ang taglamig ay may malaking tulong sa ating katawan. Ito ay tumutulong maging maayos ang ating katawan at upang makaiwas tayo sa mga malalang sakit. Ano nga ba ang magandang dulot ng taglamig sa ating katawan.

 

Ang pagkonti ng mga organismong nagdadala ng sakit, ang mga insekto na nangangagat ay nawawala kapag bumaba ang temperatura. Ang taglamig ay nililimitahan ang hanay ng mga uri ng organismo na nagkakalat ng mga sakit tulad ng malarya na isa sa pinakanakamamatay sa mundo. at karamihan sa mga nakakapanghinang sakit.

 

Ang pinakamalaking positibong epekto sa kalusugan ng malamig na panahon ay upang limitahan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit kahit na hindi natin ito napapansin, nakakatulong ito na labanan ang mga impeksyon. Maaari mas madaling kapitan ng sipon sa panahon ng taglamig, ngunit ayon sa pag-aaral, kapag ang iyong immune system ay umaangkop sa malamig na kapaligiran, ang kakayahan nitong labanan ang impeksiyon ay lumalakas.

 

Sa panahon ng taglamig ang mga halaman ay hindi gumagawa ng pollen o bulo sa tagalog sa taglamig. Kaya napakalaking tulong sa kalusugan ng tagalamig lalo na sa may mga alerdyi sa bulo at alikabok na madalas pumapasok sa iyong ilong at sa iyong mga mata.

 

Ang malamig na temperatura tuwing taglamig ay nakabawas ng taba sa katawan. Upang manatiling mainit ang ating katawan tuwing taglamig ang ating katawan at nagsusunog ng mas maraming taba. Ito ang nagiging dahilan upang mabawasan ang timbang kung ang iyong kinakain ay parehong dami tulad ng normal na kain mo.

 

Makakatulong ito sa iyo na makakuha ng mas mahusay na pagtulog sa gabi.

Napatunayan ng maraming pag-aaral na ang pagtulog sa isang malamig na silid ay maaaring mapabuti ang iyong kalidad ng pagtulog at matulungan kang makatulog nang mas mabilis.

 

Mapapabuti nito ang paggana ng iyong utak. Maaaring medyo matamlay ka minsan sa panahon ng taglamig, ngunit maaaring mapalakas ng malamig na temperatura ang aktibidad ng iyong utak at makapag-isip ka nang malinaw.

 

한국다문화뉴스 = 데스 시민기자