2024.04.12 (금)

  • 흐림동두천 1.0℃
  • 흐림강릉 1.3℃
  • 서울 3.2℃
  • 대전 3.3℃
  • 대구 6.8℃
  • 울산 6.6℃
  • 광주 8.3℃
  • 부산 7.7℃
  • 흐림고창 6.7℃
  • 흐림제주 10.7℃
  • 흐림강화 2.2℃
  • 흐림보은 3.2℃
  • 흐림금산 4.4℃
  • 흐림강진군 8.7℃
  • 흐림경주시 6.7℃
  • 흐림거제 8.0℃
기상청 제공

타갈로그어

Mga Pantal na dulot ng Taglamig

Kung ini-on mo man ang pangpainit sa loob ng bahay o nilalabanan mo ang lamig sa labas, ang taglamig ay may hindi magandang dulot sa iyong balat. Maraming tao ang magkakaroon ng mga pantal sa balat sa panahong ito ng taon, at ang mga pantal na ito ay maaaring tuyo at makati. Sa kabutihang palad, maaari mong suriin at gamutin ang mga pantal na ito gamit ang ilang mga pangunahing tip sa pangangalaga sa balat.

 

Ngunit ano nga ba ang dahilan ng mga pantal sa ating balat tuwing taglamig na makikita sa ating katawan o mukha.

Una, ang pagkakaroon ng tuyong balat o dry skin na sanhi ng malamig at tuyong hangin, ang malamig na hangin ng taglamig ay nagiging dahilan para maalis ang natural na langis sa ating balat. Ito ang nagiging sanhi ng ng pantal sa balat. Ang mga pantal na ito ay madalas tuyo sa mga parte ng katawan na nakalantad sa lamig tulad ng mukha at kamay.

 

Pangalawa, ang kundisyon ng iyong balat katulad ng eczema, psoriasis, o rosacea, ang panahon ng taglamig ay magdudulot na mapalala ang kundisyon ng iyong balat. Siguraduhing kumonsulta sa dermatologist upang maiwasan ang paglala ng iyong sakit sa balat.

 

Pangatlo, ang sunog sa balat na dala ng araw. Ang UV rays ng araw ay makakasira sa iyong balat sa panahon ng taglamig. Ito ang magiging sanhi ng pagkakaroon ng pulang pantal sa balat. Lalo na sa mga may mapuputing kutis kaya ugaliin na mag lagay ng sunblock.

 

Pangapat, ang pagkakaroon ng sensitibong balat. Ang pagiging sensitibo sa mga sabon, lotion, at detergent ay maaaring magdulot ng mga pantal sa iyong balat sa anumang panahon, ngunit ang malamig na hangin sa taglamig ay maaaring magpalala ng pangangati na ito.

 

Panglima, ang stress at pagkapagod ay maaaring maging sanhi ng mga pantal sa taglamig, lalo na kung mayroon kang kondisyon sa balat tulad ng eczema at psoriasis.