2024.04.06 (토)

  • 흐림동두천 1.0℃
  • 흐림강릉 1.3℃
  • 서울 3.2℃
  • 대전 3.3℃
  • 대구 6.8℃
  • 울산 6.6℃
  • 광주 8.3℃
  • 부산 7.7℃
  • 흐림고창 6.7℃
  • 흐림제주 10.7℃
  • 흐림강화 2.2℃
  • 흐림보은 3.2℃
  • 흐림금산 4.4℃
  • 흐림강진군 8.7℃
  • 흐림경주시 6.7℃
  • 흐림거제 8.0℃
기상청 제공

타갈로그어

Ang Matamis na Araw ng Nobyembre

 

Alam mo ba bukod sa Araw ng mga puso tuwing pebrero ang buwan ng nobyembre ay isa rin sa mga inaabangan dito sa Korea dahil pinagdiriwang ang araw ng pepero. Ano ba ang araw ng pepero?

 

Isa itong pagdiriwang sa South Korea na katulad ng Araw ng mga Puso ngunit ginaganap tuwing ika-11 ng Nobyembre. Ang mga ito ay nakatuon sa biscuit sticks na babalutan ng tsokolate. Ang Lotte ay nagsimulang gumawa ng pepero noon 1983.

 

Ang orihinal na layunin ng araw ng pepero ay upang makipagpalitan ng mga pepero sa bawat isa sa pag-asang maging mas matangkad at payat. Ngunit ang layunin na ngayon ay makipagpalitan or magbigay ng Pepero upang ipakita ang pagmamahal sa mga kaibigan at mahal sa buhay.

 

Ngunit bakit nga ba Nobyembre 11? Ito ay dahil ang Pepero ay kahawig ng numerong "1" at ang ika-11 ng Nobyembre ay 11/11 na madaling tandaan.

 

Ngunit ano nga ba ang pinagmulan nito? sabi ng kwento nagsimula ito sa isang lalaking magaaral noong 90’s na ipinagmamalaki ang pagiging single. Ang sabi naman ng iba ito ay isang diskarte upang tumaas ang bentahan ng pepero. Ayon sa ulat ito ang araw ng pinakamaraming benta sa loob ng isang taon ang mga convenience store.

 

Ngunit ano man ang dahilan ang araw ng pepero ay isang masayang araw para sa bawat mamamayan ng South Korea.

한국다문화뉴스 = 데스 시민기자